Bay Area, napipintong masakop ng Cavaliers.
CLEVELAND (AP) — Mabilis ang pagkabalisa ng Golden State Warriors. Nasuspinde si Draymond Green, napinsala si starting center Andrew Bogut, napatalsik sa laro si Stephen Curry at hindi makapuntos ang bench.
Bakas ang pagkadismaya ng Warriors sa kanilang sitwasyon at sa isang iglap ang noo’y moog na pundasyon para sa pagtangi sa makasaysayang season ay nalagay sa sitwasyon na kakaiba para sa defending champion -- isang malaking kabiguan.
Gaganapin ang “winner-take-all” Game Seven sa Linggo (Lunes sa Manila), sa Oracle Arena – ang lugar kung saan naisalba ng Warriors ang hagupit ng Oklahoma City Thunder sa Game Seven ng Conference Finals.
Parehong lugar, sa parehong sitwasyon. Ngunit, sa pagkakataon ito, nakataya ang lahat, kabilang ang pamato’t panabla.
“All-In” para sa Cleveland Cavaliers. At kung hindi magagamit ng Warriors ang pamosong kataga na “Strength in Number”, malalagay ang Golden State sa kasaysayan para sa pinakamasaklap na kabiguan sa liga.
Tangan ng Warriors ang 3-1 bentahe sa best-of-seven NBA Finals, ngunit nakabangon ang Cavaliers para maitabla ang serye at makalapit sa kasaysayan bilang kauna-unahang koponan sa NBA na nagwagi ng titulo mula sa 1-3 pagkakadapa.
At kung mananatiling malamya ang depensa ng Warriors at malamig ang outside shooting ng “Splash Brothers” nina Stephen Curry at Kyle Thompson, magkakaroon ng katuparan ang matagal nang dalangin ng Cleveland – kauna-unahang kampeonato sa pro sports mula noong 1964.
“Things haven’t gone our way despite how the regular season went,” sambit ni Curry, back-to-back at unanimous MVP.
“The playoffs haven’t been easy. Hasn’t been a breeze. Hasn’t been anything perfect about it. So, yeah, it’s frustrating, but the work we’ve put in and the opportunity we’ve given ourselves with a Game 7 to win the finals at home, you’ve got to be excited about that,” aniya.
Nalagay sa mapanuring mata ng kritiko ang Warriors dahil sa aspeto ng “fatigue” matapos ang matikas na 73-9 marka sa regular season.
“We’re going to need some emotion and some grit and toughness,” pahayag ni Curry.
Ang negatibong pananaw hinggil sa kanilang paghahabol para malampasan ang record ng Chicago Bulls (72-10) ay unti-unting nabibigyan ng kalinawan.
Sa pagkawala ni 7-foot center Andrew Bugot sa Warriors bunsod ng injury sa kaliwang tuhod, namahinga si LeBron James para magtumpok ng magkasunod na 41 puntos sa serye.
Sa kabila nito, kumpiyansa si Warriors coach Steve Kerr, para sa isa pang pagdiriwang sa Bay Area.
“I think if you start out every season and you say ‘We get a Game 7, we get one game at home to win the NBA championship, I’ll take it every time,” sambit ni Kerr.
“So I can’t wait for Sunday. I think we’ll be fine. Obviously Cleveland has played well the last two games, and we’ve got to play better. But I’m confident we will. We’re in a spot that 29 other teams would love to be in.”