Rehas at multa ang naghihintay sa kalalakihang nasasangkot sa prostitusyon sa ilalim ng House Bill 6500 na amyendahan ang R.A. 3815 upang isama ang mga lalaking prostitute sa parurusahan sa krimen ng prostitution.

Sa kasalukuyang batas, ang prostitute ay tumutukoy lamang sa mga babae na nakikipagtalik para kumita ng pera o biyaya o ginagawa itong trabaho.

Sinabi ni Rep. Evelio R. Leonardia (Lone District, Bacolod City), ang depinisyon ng prostitusyon ay limitado lamang sa kababaihan at walang katumbas na parusa sa kalalakihan lumalabag sa batas tungkol sa prostitution. Inaamyendahan ng panukala ang Article 202 ng Revised Penal Code. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer