Itinuturing ni Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na minadali at inihabol na legacy ng Aquino administration ang Kto12 program.

Ang pahayag ay ginawa ni Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), matapos aminin ni incoming Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na nasa 31,000 guro pa ang kinakailangan ng kagawaran para sa nasabing programa.

Ayon kay Cruz, dahil sa kakulangan sa kahandaan ng pamahalaan ay naperhuwisyo ang maraming guro na nawalan ng trabaho at estudyante sa kawalan ng mga pasilidad sa unang taon ng implementasyon ng Senior High School (SHS).

Sa pagtaya ng DepEd, mahigit sa 400,000 estudyante na nagtapos ng Junior High School ang nabigong makapag-enroll sa Senior High ngayong school year dahil sa kakulangan ng mga paaralang mapapasukan at mahal na singil sa matrikula.

National

Dela Rosa kapag ibinigay ni Escudero ang transcript sa ICC: ‘I will try to question him'

“Sa classrooms, kulang, facilities, kulang, guro, kulang, papaano ba naman yun? Itong (Aquino) administrasyon alam naman nilang anim na taon lang sila at hindi naman nila kaya yun. Bakit papasukin ito baka ito namang darating na (Duterte) administrasyon, ewan ko lang kung sumasampalataya sa Kto12. Kung sa susunod na administrasyon ay okay sa kanila ang Kto12 baka this six years coming ay baka makagawa sila ng husto na wasto na ang silid – aralan, wasto na rin ang mga teachers,” paliwanag ni Cruz, sa panayam ng Radio Veritas ng simbahan.

Umaasa ang arsobispo na pupunan ng Duterte administration ang mga kakulangan ng nakaraang administrasyon at matugunan ang mga kulang na pasilidad, mga guro at mapababa ang bilang ng mga school dropout bunga ng dagdag na gastusin dahil sa Kto12 program. (MARY ANN SANTIAGO )