“MGA Dabarkads, ipinagmamalaki ko pong i-introduce, lyrics by the one and only Nicomaine Mendoza, music by Bossing Vic Sotto and musical arrangement by Jimmy Antiporda, para sa Imagine You & Me, heto na po ang love ng buhay ko, Maine Mendoza!” sabi ni Alden Richards sabay kiss sa kamay ng dalaga.
Tumahimik ang buong Broadway studio habang nakikinig sa pag-awit ni Maine, dahil first time ito na seryoso siyang kakanta at maririnig ang tunay niyang boses na itinago niya sa pagda-dubsmash sa loob ng halos isang taon.
Dalawang araw lang yatang nilapatan ng music ni Bossing Vic ang lyrics dahil na-inspire daw siya nang mabasa niya ang sinulat ni Maine, na halatang galing sa puso ang bawat kataga.
Madali rin itong nalagyan ng arrangement ni Jimmy Antiporda na humanga rin sa lyrics ni Maine.
Maraming umiyak sa studio, at ang iba ay sa Twitter accounts nila nagkuwento na paulit-ulit daw nilang pinapakinggan ang song, at damang-dama nila ang gustong iparating ni Maine sa sinabi niyang inspirasyon niya, si Alden.
Nagpahayag naman si Alden ng ganito sa dalaga: “May mga times nang una kitang nakita sa Eat Bulaga, isa ka na sa pinaka-talented na taong nakilala ko, hindi mo alam ‘yun, hindi mo lang alam ‘yun, ‘yung pagda-dubsmash mo. Though minsan hindi malaki ‘yung tingin mo sa sarili mo, pero I believe so much in you. Alam mo naman iyan since day one, so heto na, heto ang first composition mo, ‘tapos first time kang kakanta ng theme song ng isang pelikula, dito sa EB stage para sa AlDub Nation sa mga Dabarkads. So, kahit ano’ng mangyari, I’m always here.”
Nagpasalamat din agad ang dalaga sa pamamagitan ng Instagram kay Alden: “Thank you, Alden. Happy 11th monthsary” (with a heart emoticon).
Sumagot din si Alden sa IG ng: “You’re welcome, proud of you.”
Noon palang hindi pa nag-aartista si Maine, may nai-post na siya sa kanyang IG na: “To Mom and Dad, someday, I’ll make you proud, I promise.” Dated 11:48 PM 25 October 2010 ito. At natupad na ito ni Maine ngayon, kaya naman proud sa kanya ang buong pamilya niya.
Sabi ng mom niyang si Mary Ann Mendoza: “So proud of my Meng! Congrats, anak.” Ganoon din ang ate niyang si Nicolette: “I’m so proud of you, Mench, so, so proud.” Ang kuya niyang si Nico: “Imagine you and me, napawow na naman ako sa kapatid ko.” Her Ate Coleen: “My heart, my heart.” At ang bunso nilang si Dean: “Imagine you and me.”
May dalawang version ang theme song, isang solo ni Maine, ang isa pang duet nila ni Alden. Ngayong araw na ito kakantahin nina Alden at Maine at magpapakita pa sila ng isa pang teaser ng movie, na iba sa ipinakita noong Thursday sa kalyeserye as dual celebration ng 48th weeksary at 11th monthsary ng AlDub.
Sa July 13 na ang opening day in cinemas nationwide ng Imagine You & Me na dinirek ni Michael Tuviera for GMA Films at APT Entertainment, Inc., two days bago ang first anniversary ng love team sa July 16. (NORA CALDERON)