Hindi na itutuloy ang naunang planong pagdaraos ng 2016 PBA All-Star sa Dubai.

Ang kanselasyon ng naunang plano ay dulot ng pagkabigo ng mga organizers sa Dubai na maisama lahat ang kabuuang 150 katao na kalahok sa taunang event.

Gayunman,nangako naman ang mga Ito na babawi at maagang paghahandaan ang annual spectacle upang matuloy ang pagdaraos nito sa Dubai sa 2017.

Dahil sa pangyayari, ang PBA All-Star ngayong taon na katatampukan ng klasikong tapatan ng North at South All-Star teams ay idaraos sa Smart Araneta Coliseum.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ang event na kinapapalooban din ng Slam Dunk contest, 3-point shootout at Obstacle Challenge at gaganalin sa Agosto 5-7.

Ito ang unang pagkakataon na magbabalik ang All- Star sa Manila mula noong 2012 nang idaos ito sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. (Marivic Awitan)