BRASILIA (AFP) - Sa loob lamang ng isang buwang panunungkulan, nalagasan agad ng tatlong miyembro ang gabinete ng interim president ng Brazil na si Michel Temer matapos magbitiw ang isang miyembro nito dahil sa pagtanggap umano ng suhol.
Inihayag ni Tourism Minister Henrique Eduardo Alves ang kanyang pagbibitiw matapos siyang akusahan ng pangunahing saksi ng pagtanggap ng 1.5 million reals ($445,000) bilang suhol mula sa state oil company na Petrobras.