BEIJING (AP) - Ipinag-utos ng isang Chinese regulator sa Apple, Inc. na itigil ang pagbebenta ng dalawang bersiyon ng iPhone 6 sa Beijing makaraang mabatid na halos kahawig ng mga ito ang mula sa kalabang kumpanya, ngunit sinabi ng Apple na patuloy pa rin ang bentahan habang wala pang desisyon sa kanilang apela.
Nahaharap din ang Apple sa tumitinding kumpetisyon sa pagitan ng local brands, gaya ng Huawei at Xiaomi, na malakas din ang bentahan sa merkado.
Ayon sa inilabas na kautusan ng Beijing tribunal, malaki ang pagkakahawig ng iPhone 6 at 6 Plus sa 100C model ng Shenzhen Beili, isang maliit na Chinese brand.