DASMARIÑAS, Cavite – Isang 14-anyos na lalaki ang dinakip nitong Huwebes ng mga pulis dahil sa kasong pagpatay, iniulat kahapon.

Inaresto ang binatilyo ng mga pulis, sa pamumuno ni SPO1 Gerardo Sobrepeña, nitong Huwebes ng hapon sa Barangay Paliparan III.

Ayon sa pulisya, dinakip ang binatilyo sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng isang Regional Trial Court judge sa Dasmariñas para sa kasong homicide.

Itinakda ang P40,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ng binatilyo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang suspek ang isa, kung hindi man ang pinakabata, na inaresto ng pulisya dahil sa pagpatay sa lalawigan.

Dinala ang binatilyo, residente ng Bgy. Paliparan III, sa himpilan ng Dasmariñas City Police matapos maaresto.

(ANTHONY GIRON)