Yasmien copy

ALIW ang mga reporter sa anak ni Yasmien Kurdi na si Ayesha Zara na isinama ng aktres sa presscon ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Sa Piling ni Nanay. 

Bibo at madaldal ang bagets na umiyak pa dahil ayaw malayo sa mama niya.

Sabi ni Ayesha, ayaw niyang mag-artista at niyaya na si Yasmien na umuwi na sila at tama na ang interview. Ayaw din magpa-picture ni Ayesha at kinailangan pang si Yasmien ang kumumbinse sa anak na magpa-picture, pero pilit ang ngiti.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Anyway, balik-bida kaya excited si Yasmien sa airing ng Sa Piling ni Nanay na surrogacy ang tema at surrogate mother ang role niya. Ka-live in niya si Antonio Aquitania at makakarelasyon si Mark Herras.

“Medyo daring ang role ko rito bilang baby maker. Nag-reserch ako sa Internet at may website pala na nag-o-offer ng kanilang matris para buntisin at magdala ng baby ng iba. Nakakatulong na sila sa mga hindi nagkakaanak, kumikita pa,” sabi ni Yasmien.

 

Ang kaibahan lang sa karakter ni Yasmien na si Ysabel, magbabago ang isip niya pagkapanganak sa baby nina Katrina Halili at Benjamin Alves. Dito na papasok ang conflict ng story at ang mga susunod na pangyayari, malalaman n’yo ‘pag sinubaybayan ang Sa Piling ni Nanay na magpa-pilot sa June 27. Mula ito sa direksyon ni Gil Tejada.

(NITZ MIRALLES)