NAGBIGAY suporta na rin si Prince William sa lesbians, gays, bisexuals, and transgenders (LGBT) community. Nag-pose ang 33 taong gulang na si William para sa Attitude magazine ng United Kingdom, ang pagpo-pose ng isang royal para sa cover ng isang gay publication.

Nang kunan ng litrato, personal na nakipag-usap ang Duke of Cambridge sa siyam na miyembro ng LGBT community na nakaranas ng panlalait dahil sa kanilang kasarian, sa online at maging sa pang-araw-araw na buhay. Naging interesado si William sa paksa, na ang kanyang misis, si Kate Middleton, ay nakatuon sa mental health at social acceptance sa pakikipagtulungan sa mga programang iniaalok sa mga eskuwelahan.

Sa pakikipag-usap sa nasabing grupo, nais ni William na pag-usapan kung paano sila inapi nitong mga nakaraang taon at kung paano nila ito maiiwasang makaapekto sa kanilang buhay.

“No one should be bullied for their sexuality or any other reason and no one should have to put up with the kind of hate that these young people have endured in their lives,” pahayag ni William sa magazine. “The young gay, lesbian and transgender individuals I met through Attitude are truly brave to speak out and to give hope to people who are going through terrible bullying right now. Their sense of strength and optimism should give us all encouragement to stand up to bullying wherever we see it.” (Yahoo News/Celebrity)
Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony