Winalis ng Philippine softball team ang tatlong division sa Asia Pacific Softball League para maitarak ang kasaysayang makasabak sa World Series.

Nadomina ng Pinay softballer, binuo at sinuportahan ng International Little League Association of Manila (ILLAM) ang Little League, Junior League, at Senior League division kamakailan sa Singapore.

Tanging ang ilang beses nagkampeon na Manila South ang nakalasap ng kabiguan matapos nitong mabitiwan ang hawak na korona sa AsPac Big League Softball nang mabigo sa China, 0-1. Ang kabiguan ay una ng Pilipinas matapos dominahin ang torneo sa loob ng 11 taon.

Tinalo ng softbelles ng ILLAM ang host Singapore sa finals, 14-1, upang mapanatili ang korona at magbalik sa 11-12 division ng internasyonal na torneo na gaganapin sa Agosto 11-17, sa Portland, Oregon.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Hindi rin nagpaiwan ang ILLAM aces sa juniors (13-14 age bracket) matapos itala ang impresibong 11-1 panalo sa Singapore upang makuha ang karapatang bitbitin ang AsPac kontra sa ibang kampeon sa rehiyon at sa USA sa torneo na gaganapin sa Hulyo 31 hanggang Agosto 6, sa Kirkland, Washington.

Makakasama ng dalawang ILLAM ang Makati sa pagmartsa ng mga koponan ng Pilipinas sa torneo sa world series.

Ito ay matapos na umusad ang Makati belles sa Senior League Softball WS nang walisin ang Singapore sa kanilang best-of-five duel para sa titulo ng AsPac sa mga iskor na 31-1, 12-1, at 10-0. Sasabak naman ito sa Lowe Sussex, Delaware sa Hulyo 31 hanggang Agosto 6. (Angie Oredo)