Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 5616 na nagsusulong ng modernisasyon at regulasyon sa pagpapraktis ng pharmacy sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapawalang-saysay sa Republic Act 5921 o ang Pharmacy Law.

Sa HB 5616 o “Philippine Pharmacy Act” na inakda nina Reps. Maximo Rodriguez Jr. (2nd District, Cagayan de Oro City) at Gloria Macapagal-Arroyo (2nd District, Pampanga), itinatakda na ang mga lisensiyadong pharmacists ang magiging frontliner o mismong magkakaloob ng gamot sa mga consumer, magkakaroon ng tamang pamantayan sa pharmacy education at polisiya sa pamamahala sa licensure at rehistrasyon ng mga parmasyutika sa bansa. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer