Inappropriate calls—Kerr.
CLEVELAND (AP) — Lumapit mula sa bingit ng eliminasyon tungo sa posibleng pagtatala ng kasaysayan si LeBron James at ng Cleveland Cavaliers sa pagtulak sa NBA Finals sa matira-matibay na Game 7.
Umiskor muli si James ng 41 puntos sa pagpapakita ng isa pang magnipikong laro habang nagdagdag si Kyrie Irving ng 23 upang bitbitin ng Cavs para sa pinakahuling laro na gagawin sa California sa pagbigo sa nagtatatanggol na kampeon na Golden State Warriors, 115-101.
Hindi lamang naitulak ng Cavs ang hindi mahulaan na serye sa matira-matibay na huling laro kundi naisalba pa nito sa ikalawang pagkakataon sa loob ng apt na araw ng kampanya sa kanilang pagbabalik sa Oakland’s Oracle Arena para sa inaaasahang makasaysayang laro.
Hawak ng Cavs ang tsansa na maging unang koponan na makaahon mula sa 1-3 paghahabol sa NBA Finals, at pinakaimportante na ibigay sa uhaw sa titulong lungsod ang pinakauna nitong sports championship sapul noong Disyembre 27, 1964.
“I want to win for sure,” sabi ni James, na nagdagdag ng 11 assists at walong rebounds. “But I want to give everything I’ve got and we’ll see what happens. We forced a Game 7. It’s going to be a fun one.”
Hindi naman maisip ng Warriors na maitulak sa delikadong situwasyon matapos na itala ang record 73 panalo at magwagi sa unang dalawang laro sa finals sa pinagsamang 48 puntos matapos na unti-unting
mawala kay NBA Most Valuable Player Stephen Curry at mga kasamahan ang init sa laro upang matulak sa posibleng pagkawala ng kanilang makasaysayang taon pati ang ikalawang titulo.
Napatalsik pa sa laro si Curry sa natitirang 4:22 segundo matapos tawagan ng ikaanim na personal foul nang kanyang ilang beses sabihan ng hindi maganda ang opisyal, itapon ng kanyang mouthpiece sa front row at tamaan ng isang fan.
Iniwan ni Curry ang laro na may 30 puntos, si Klay Thompson ay may 25 at si Draymond Green, na nagbabalik mula sa isang larong suspension ay may 10 rebounds.
“I’ve never been ejected before. It was a weird feeling,” sabi ni Curry. “It was just frustration and kind of hilarious the way that the last two fouls and me blowing up kind of unfolded, some of the things that were said out there.”
“I’ve thrown my mouthpiece before,” sabi ni Curry. “I usually aim at the scorer’s table. I was off-aim. ... But the last two fouls I had, I didn’t think I fouled either Kyrie (Irving) or LeBron. That’s my perception of the plays and I had a reaction to it.”
Inihayag naman ni Warriors coach Steve Kerr na naging biased ng officiating kontra Curry.
“He gets six fouls called on him, three of them were absolutely ridiculous,” sabi ni Kerr. “As the MVP of the league, we’re talking about these touch fouls in the NBA Finals. I’m happy he threw his mouthpiece.”
“Let me be clear: We did not lose because of the officiating,” sabi pa ni Kerr. “They totally outplayed us and Cleveland deserved to win. But three of the six fouls (called on Curry) were incredibly inappropriate calls for anybody, much less the MVP of the league.”
Hindi pa naman nabibigo ang Warriors ng tatlong sunod ngayong taon at ang pagkatalo sa Cavs ay ikalawang beses lamang nangyari. Hindi pa din nangyayari sa NBA Finals history na nabitawan ng isang koponan ang 3-1 lead.
Tanging sinambit naman ni James ang Game 7, na “the two best words ever” at ang “See you Sunday!”