CABANATUAN CITY – Mabigat na kasong carnapping ang kakaharapin ng isang 23-anyos na lalaki na nahuli sa akto ng Cabanatuan City Patrol 514 habang ninanakaw ang isang nakaparadang tricycle sa Magsaysay Market Complex, Barangay Magsaysay Norte ng lungsod na ito.

Kinilala ang suspek na si Arjay Sudia y Dela Rosa, residente ng Bgy. Pabuan, Gapan City.

Sa imbestigasyon ni SP03 Nathaniel Tomas, dakong 4:00 ng umaga kamakalawa nang itimbre ng isang concerned citizen sa Mobile Patrol ang tungkol sa pagnanakaw ng suspek. Mabilis na rumesponde sa lugar ang mga awtoridad at nahuli sa akto ang suspek na itinatakas ang itim na Kawasaki CT-100 Bajaj na may plakang 1231-RZ.

May duda ang pulisya na posibleng may kaugnayan ang suspek sa nakawan ng mga tricycle sa lungsod.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Light A. Nolasco)