Pinaplano ni incoming Philippine National Police (PNP) chief Chief Supt. Ronald “Bato” dela Rosa na magsagawa ng lifestyle check sa buong puwersa ng pulisya upang matukoy at maalis ang mga opisyal na sangkot sa mga illegal na aktibidad.
Bahagi ito ng pagsisikap ni Dela Rosa na matupad ang tatlo hanggang hanggang anim na buwang anti-crime campaign na ipinangako ni President-elect Rodrigo Duterte.
“We will do every approach — legal or illegal — to stop these officials from doing just the same act over again,” giit niya.
Gayunman, sinabi ni Dela Rosa na hindi na kailangang magsagawa ng lifestyle check sa mga heneral na diumano’y sangkot sa illegal drug trade.
“We do not need to conduct a lifestyle check. We already know these officials involved in illegal acts. It’s an open secret,” sabi ni Dela Rosa.
Tiniyak niya na makikipag-usap siya sa mga opisyal na sangkot, binigyang diin na bibigyan niya ang mga ito ng due process upang patunayan na sila ay inosente.
“I will talk to them. I will give them a chance to prove that they are innocent,” aniya, idinagdag na kakausapin niya ang mga sangkot na opisyal sa pag-upo niya sa puwesto bilang bagong PNP Chief.
Gayunman, inamin ni Dela Rosa, na hindi na siya nagulat nang makita niya ang mga pangalan ng mga heneral sa listahan ng mga opisyal na sangkot sa illegal na droga.
“I was not surprised to see the list because I already have initial reports about their involvement in illegal drugs,” banggit ni Dela Rosa. (PNA)