493ss_getty_rm_kids_of_different_ages_sleeping copy

Maraming bagong bagay ang hatid ng pagbabalik-eskuwela: bagong damit, bagong gamit sa eskuwela at bagong class schedule. At pagdating sa pagpapaalala sa iyong mga anak na kailangan na muling matulog ng maaga, kailangan mo rin ng bagong routine.  

Ang oras ng pagtulog ay nagbabago habang tumatanda ang tao, ayon kay Dr. Maria Melendres, pediatric pulmonologist at sleep specialist sa Johns Hopkins Children’s Center, sa Baltimore.

At hindi lang ang haba ng pagtulog ang nagbabago kundi maging ang pattern ng pagtulog sa gabi, pahayag ni Melendres sa Live Science.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

May dalawang klase ng pagtulog: ang rapid eye movement (REM) sleep, at ang non-REM sleep, ayon kay Melendres.

Depende sa edad ng tao, ang oras ng pagtulog ay nagbabago, aniya. Naniniwala siya na ang iba’t ibang stage ng pagtulog ay may iba’t ibang function.

Ang mga uri ng pagtulog ay mahalaga para sa optimal learning, ngunit napag-alaman na ang REM sleep ay mahalaga para cognitive functions, gaya ng pagsasariwa ng mga nakaraan, at para sa growth and development ng nervous system, ayon kay Melendres. Ang non-REM naman, aniya, ay ang pagbawi ng tulog; sa madaling salita, makatutulong ito upang manatili kang gising sa buong araw.

Maraming rekomendasyon tungkol sa pagtulog ang nananatili sa kahit anong edad; halimbawa, napakahalaga na matulog at magising ng parehong oras araw-araw. At ang pagtunghay sa screen tuwing gabi — gaya ng paggamit ng cellphone, laptop, panonood ng telebisyon o sa tablet — ay ipinagbabawal. (Napag-alaman na ang ilaw na nagmumula sa mga nabanggit ay nakakapagpabawas ng sleep hormone melatonin sa utak).

Ngunit ang ibang rekomendasyon sa pagtulog ay nagbabago habang tumatanda ang isang tao. Narito ang ilang tips para sa inyong mga anak, mula sa preschool hanggang high school.     

 Para sa preschoolers (3 hanggang 5 taong gulang)

Kinakailangan ng 10 hanggang 13 oras ng pagtulog, ayon sa National Sleep Foundation.

Ang mga batang nasa ganitong edad ay kinakailangang matulog ng mas maaga kumpara sa mga toddler, dahil hindi na sila gaanong natutulog sa hapon, ayon kay Melendres.

Ngunit hindi nasisiguro na magiging madali ito. Sa ganitong edad din kasi nade-develop ang sinasabing “behavioral insomnia,” ani Melendres. Ang mga magulang na may anak na nasa ganitong edad ay maaaring pamilyar sa ganitong sitwasyon, ayon pa kay Melendres. 

Maaaring ayaw ng batang matulog at gagawa pa ang mga ito ng dahilan gaya ng

“I need another hug” o “I need a glass of water,” aniya.

School-age children (6 hanggang 13 taong gulang)

Inirerekomenda ng National Sleep Foundation ang 9 hanggang 11 oras ng pagtulog sa mga school-age children tuwing gabi.

Ito ang mga panahon na ang mga bata ay nananaginip na ng masasama, gaya ng pagiging takot sa dilim, ayon kay Melendres. Ang mas batang school-age children (at mga nakatatandang preschooler) ay may malawak na imahinasyon, aniya. Ang iba pang problema, gaya ng masamang panaginip at paghilik, ay makaaapekto sa pagtulog ng bata sa ganitong edad, dagdag ni Melendres.

Teenagers (14 hanggang 17 taong gulang)

  Madalas mabigo ang mga teenager na sundin ang 8 hanggang 10 oras ng pagtulog tuwing gabi, ayon kay Melendres. Sa katunayan, aniya, kalahati lamang sa mga teenager ang may sapat na tulog.

 

Ang mga batang nasa ganitong edad ay napakaraming gawain, gaya ng mga aktibidad sa paaralan at takdang-aralin, dahilan upang gabihin sila sa pagtulog, at kinakailangan pa nilang gumising ng maaga para pumasok eskuwela, ani Melendres.  

 

At siyempre, hindi mawawala sa mga kabataan ang pagharap sa screen. Maraming kabataan ang natutulog kasama ang iba’t ibang gamit na magiging sanhi ng kanilang pagkapuyat. At dahil dito, inirerekomenda ng American Academy of Pediatrics sa mga magulang nag awing “screen-free zones” ang kuwarto ng kanilang mga anak. (LiveScience.com)