Ilang araw bago maupo sa puwesto ang administrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte, magsasagawa ang kanyang economic team ng serye ng consultation meeting sa mga business leader sa bansa upang idetalye economic program ng bagong pamahalaan at simulan na ang pagtatrabaho.

Pamumunuan ni incoming Finance Secretary Carlos G. Dominguez ang economic development team ni Duterte sa pagtitipon sa mga lider ng negosyante sa bansa para sa dalawang araw na pagpupulong sa Davao City mula Hunyo 20 hanggang 21, upang isulong ang inclusive growth.

“The objective of the conference is to generate recommendations from the business community for the incoming Duterte administration regarding its proposed 10-Point Socioeconomic Agenda,” saad press statement ng grupo.

Tinawag na “Sulong Pilipinas: Hakbang Tungo sa Kaunlaran”, gaganapin ang consultative workshop kasama ang business community sa SMX Convention Center sa loob ng SM Lanang Premier sa Davao City.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Mahigit 300 kinatawan ng Filipino business community ang inimbitahan para sa okasyon, katuwang ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) at ng Mindanao Business Council.

Upang makalikom ng mga rekomendasyon mula sa business sector, ipipresinta ni Dominguez ang 10-Point Socioeconomic Agenda ng Duterte administration, at kung paano tutugunan ang malalaking hamon sa pagtamo ng inclusive growth.

Si incoming Socio-economic Planning Secretary Ernesto Pernia ang magbibigay ng briefing sa mga kalahok tungkol sa economic situation ng bansa, habang si incoming finance department spokesperson Paola Alvarez ang moderator ng town hall meeting. (CHINO LEYCO)