Maaari nang gamitin ng mga pasahero ang kanilang beep card bilang pambayad sa pagsakay sa BGC Bus, inanunsiyo ng beep card concessionaire na AF Payments Inc. (AFPI) at BGC Bus kahapon.

Sinabi ng AFPI na ang mga bus sa BGC ay kasalukuyang gumagamit ng beep card system sa limitadong public trial ngunit nananatiling P12 ang pamasahe sa bawat biyahe.

Ayon kay AFPI president and CEO Peter Maher, makikinabang rito ang mga commuter lalo na lilipat ng sasakyan mula sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3) o Light Rail Transit (LRT-1, 2) patungo sa mga bus.

“We are pleased to partner with BGC Bus as this will move us closer to our goal of making the beep card an all-in-one card for commuters in Metro Manila,” ani Maher. (PNA)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji