HINDI na kami magtataka kung biglang maghiwalay ang magkarelasyong aktor at aktres na magkaiba ng TV network dahil sa sulsol ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Matagal nang nakarating sa amin na madalas mag-away ang magkasintahang aktor at aktres dahil sa kawalan ng oras sa isa’t isa dahil in fairness pareho silang busy sa kanilang respective projects.

Ang kaso, may mga tao sa paligid ng dalawa ang nagsusulsol na hindi magiging successful ang kanilang relasyon kapag hindi nagkikita o nagkakausap nang madalas dahil dito nag-uumpisa na mawalan ng gana ang isa’t isa.

Type pa naman itong si Aktres ng aktor na vocal na nagsasabing crush siya, samantalang si Aktor naman ay umaming may kinakikiligang aktres sa network na kinabibilangan niya ngayon.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

Nalaman daw ito ng aktres kaya tinanong si Aktor ng, “Do you really mean it (kinikilig sa aktres)?” Umamin ang boyfriend, kaya nagkasagutan na naman.

As expected, itong mga taong nasa paligid nila ay nagbigay ng kanya-kanyang piece of advice na ewan kung nakatulong, pero as of this writing ay ceasefire ang dalawa as in wala muna silang usap-usap.

Balita pa namin ay hindi boto ang magulang nina aktor at aktres sa isa’t isa kaya sabi ng aming source, “Pustahan, isa sa mga araw na ito, may announcement na ang dalawang hiwalay na sila.”

Wala kaming maisagot, Bossing DMB kasi hindi namin sila personal na kilala at baka nga puwedeng maghiwalay na lang para hindi maging hadlang sa isa’t isa sa pagtaas ng kanilang karera, lalo na may nagkomentong veteran columnist na hindi naman bagay sina aktor at aktres. (Reggee Bonoan)