Pinangangambahan ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia ang posibleng maging epekto sa mga pambansang atleta ng iba’t ibang isyu, kabilang na ang Zika virus, sa 2016 Rio de Janeiro Olympic Games sa Agosto 5-21.

“It is really the athletes that we are concerned,” pahayag ni Garcia sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes sa Shakey’s Malate.

“We are concerned and we are monitoring every report. It is something that not only the Philippines are concern but everybody as well.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Maliban sa kinatatakutang Zika virus, iniulat din ang pagkakaroon ng “super bacteria” sa mga tubig ng Rio de Janeiro na lalong nagpapataas sa delikadong sitwasyon ng mga atletang lalahok sa quadrennial meet.

“Ayaw naman natin na maging carrier ang ating mga atleta,” sabi ni Garcia. “We still had weeks to know if tuloy ba o hindi ang Olympics, but as of the moment ay itutuloy talaga. Hopefully, the World Health Organization will come out with the decision,” sambit ni Garcia.

Pinangangambahan mismo ng Olympic-bound Pinoy ang Zika virus, isang mapamuksang sakit na nagdudulot ng abnormalidad sa ulo at utak ng mga sanggol.

“It is sad because our young athletes are the ones who may be affected. They will be the carriers of this virus and not us the older people,” ayon kay Garcia.

Sa kasalukuyan, ang mga Pinoy na kumpirmado sa Rio Olympics ay sina boxers Rogen Ladon at Charly Suarez, Kirstie Elaine Alora sa taekwondo, Ian Lariba sa table tennis at weightlifter Hidilyn Diaz, 400m hurdles Eric Cray at long jumper Marestella Torres.

Umaasa naman na makakausad din sina runner Kayla Richardson, boxer Ian Clark Bautista at Eumir Felix Marcial, swimmer Jessie Lacuna at Jasmine Alkhadi, at mga golfer na sina Miguel Tabuena, Angelo Que at Dottie Ardina, at isa pang weightlifter na si Nestor Colonia.

Umaasa rin ang Philippine men’s basketball team sa pagsabak sa iho-host nito mismo na FIBA World Qualifying simula sa Hulyo 5, sa Mall of Asia Arena. (ANGIE OREDO)