“’Di dapat pagkalooban ng special treatment ang Liberal Party at si Mar Roxas.”

Ito ang apela ng United Nationalist Alliance (UNA), sa pamumuno ni Vice President Jejomar Binay, sa Commission on Elections (Comelec) upang ibasura nito ang hiling na extension ng partido ng administrasyon sa pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenses (SOCE) kaugnay sa ginanap na May 9 elections.

Ito ay matapos mabigong makapaghain ng SOCE si Roxas, na tumakbo sa pagkapangulo sa ilalim ng LP, sa itinakdang deadline ng Comelec nitong Hunyo 8.

Giit ni UNA Secretary General JV Bautista na dapat panagutin ang LP at si Roxas dahil sa pagkabigong maisumite ang kanilang SOCE.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“All presidential candidates in the May 2016 Elections (other than Roxas) and all other major political parties (other than the Liberal Party), exerted tremendous effort and manpower to timely submit their SOCEs. Roxas and the Liberal Party should not be given any special treatment,” pahayag ni Bautista sa kanyang liham sa Comelec na may petsang Hunyo 13.

“Having voluntarily participated in the May 2016 elections, they are expected to strictly comply with the pertinent laws, rules and regulations and deadlines that are implemented and imposed by the Honorable Commission,” ani Bautista. (Ellson A. Quismorio)