Kinatigan ni outgoing Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia ang naging pahayag ni 1-Pacman Party-list Congressman Mikee Romero sa papel ng pribadong sektor para mapataas ang kalidad ng mga atletang Pinoy.
“They are really a big help to us, and sana ay magawan at mabigyan sila ng nararapat na tax exemptions. Hindi basta ang tulong nila, like the MVP Group sa Gilas Team, baka mas malaki pa ginagastos nila sa team kumpara sa buong budget namin sa sports,” pahayag ni Garcia.
Naipahayag ni Romero ang pagnanais nitong hikayatin ang malalaking negosyante sa bansa para maging sports patron tulad nina Pangilinan, Hans Sy ng SM
Group, Enrique Razon ng ICTSI at Ramon Ang ng San Miguel Group.
Sinang-ayunan din ni Garcia ang plano ni Romero na magsagawa ng mga batas na naglalayon na makapagpatayo ng mga bagong pasilidad na may
mga makabagong teknolohiya hindi lamang sa Kamaynilaan kundi pati na rin sa mga lalawigan.
“We can get the area in Clark and construct an ultra-modern training venue because that place is very conducive to an international sports complex because all water sports can be stage. Lahat puwede ilagay,” aniya. (Angie Oredo)