BUENOS AIRES (AFP) – Inaresto ng Argentine police ang isang dating minister ng gobyerno nang mahuli nila ito na nagtatangkang itago ang milyun-milyong dolyar at mga alahas sa isang monasteryo, sinabi ng mga opisyal.
Si Jose Lopez, 55, ay nagsilbing deputy minister for public works sa loob ng 12 taon sa ilalim ng dalawang pangulo ng bansa. Kasalukuyan siyang deputy sa South American regional assembly Parlasur at may kinakaharap na kasong corruption sa korte.
Nahuli si Lopez na ihinahagis ang mga maleta sa kabilang pader pabagsak sa hardin ng isang lumang monasteryo na tinitirhan ng mga madre sa Buenos Aires noong Martes.
Isa sa mga maleta ay naglalaman ng mga alahas, euro, yen, dollar at Qatari currency na nagkakahalaga ng mahigit walong milyong dolyar sa kabuuan. Natagpuan din ang isang rifle sa kanyang sasakyan.