Mga laro ngayon

(Ynares Sports Arena)

2 n.h. -- Blustar vs Phoenix

4 n.h. -- Tanduay vs Café France

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Itataya ng Café France at Phoenix ang malinis na karta at sosyong kapit sa liderato sa pakikipagtuos sa magkahiwalay na duwelo sa pagpapatuloy ngayon ng PBA D-League Foundation Cup, sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Haharapin ng Bakers ang Tanduay Masters sa tampok na laro sa ganap na 4:00 ng hapon pagkatapos ng sagupaan sa pagitan ng Accelerators at BluStar Detergent sa unang laro sa 2:00 ng hapon.

Nagkasalo sa liderato ang Café France at Phoenix tangan ang 3-0 karta matapos magwagi sa kani-kanilang laban nitong Martes kung saan namayani ang Bakers sa Malaysian-based Blustar Detergent, 98-83, sa JCSGO Gym sa Cubao.

“Maybe yung first game nila is just because of the opening jitters. It’s their first feel of basketball dito sa Pilipinas,” pahayag ni Café France coach Egay Macaraya, patungkol sa matikas na pakikihamok ng BluStar.

“Medyo agile yung malalaki nila at doon kami nahihirapan everytime. Our advantage lang is our level of basketball is already higher than them,” aniya.

Pinangunahan ni Carl Bryan Cruz ang Bakers sa naitalang 19 na puntos at limang rebound, kasunod sina Mar Villahermosa at Paul Zamar na nag- ambag ng 17 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nanguna naman si Kuek Tian Yuan sa Blustar sa naitumpok na 19 na puntos at tatlong rebound, kasunod si Ma Chee Khuen na nagpakita ng all-around game sa itinala nitong 15 puntos, walong board, apat na assist at dalawang steal.

(marivic awitan)