WALANG duda, sumikat si Mayor Rodrigo Roa Duterte (RRD) at ang Davao City dahil sa media. Isinulat at inanunsiyo ng media na ang Davao ay isang katangi-tanging lungsod dahil magaling ang pamamahala ng alkalde rito. Walang firecrackers tuwing Bagong Taon, samantalang maraming napuputulan ng daliri at kamay sa Metro Manila, may curfew sa mga menor de edad, bawal ang pag-inom ng alak sa mga kalye at lansangan, may speed limit na pinaiiral kung kaya’t pati si Mayor Sara Duterte ay hinuli noon sa mabilis na pagpapatakbo.

Noong panahon ng kampanya, isinulat at inanunsiyo ng media (print at broadcast) ang kanyang plataporma de gobyerno, kasama ang kanyang pagmumura, paghanga ng mga tao sa banta niyang dudurugin ang illegal drugs sa bansa, itutumba ang mga kriminal at ipakakain sa isda ang kanilang bangkay. Nasilo niya ang imahinasyon ng mga botante at kumporme sila sa matapang na mga pahayag ni Mayor Digong na babarilin at papatayin ang mga sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang mga pulis.

Ngayon, lubhang nakalulungkot na ang media na nakatulong sa kanyang pagsikat ay parang kinagagalitan niya dahil lamang sa pagkakamali ng ilang kasapi nito, tulad ng isang reporter na nagtanong sa kondisyon ng kanyang kalusugan.

O kaya’y ang matinding galit niya sa yumaong si Jun Pala na numero uno niyang kritiko noon. Eh, papaano naman ang mga kaibigan niyang sina Mon Tulfo at Recah Trinidad na matitinong journalist?

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Parang tuloy ang pag-boycott niya sa local media gayong hindi naman nagbabanta ng boycott ito. Ang humihimok ng boycott ay ang dayuhang Reporters Without Borders dahil naasar sa pahayag ni President Rody na karamihan sa mga napatay na media men ay corrupt at bayaran. Hindi nagbo-boycott ang National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) at maging ang National Press Club. Tumanggi sila sa boycott, sa halip, sinabi nilang patuloy ang kanilang coverage.

Ang Simbahang Katoliko na itinatag ni Kristo ay mahigit nang 2,000 taon. Buo pa ito hanggang ngayon sa kabila ng mga kritisismo, nakatayo, masigla at malusog. Ang panguluhan sa Pilipinas ay anim na taon lang, pagkatapos bagong lider ang papalit. Kung minsan nga, ang anim na taong termino ng isang presidente ay hindi pa natatapos bunsod ng kudeta o kaya’y pagkakasakit. Gayunman, ang Simbahan ay nananatili sa mundo kahit na ano ang mangyari.

Binisita ni evangelist Bill Graham ang sikat na actress na si Marilyn Monroe upang hikayatin na maniwala kay Kristo.

Tugon ng seksing si Marilyn: “ Idon’t want your Jesus Christ.” Isang linggo pagkatapos nito, natagpuang patay si Monroe sa kanyang apartment dahil umano sa drug overdose.

Tanyag na tanyag ang The Beatles noon sa buong mundo. Halos sambahin sila ng mga tagahanga dahil sa pag-awit. Sa isang panayam, napaulat na sinabi ni John Lennon: “Christianity has its end. You know, we are more popular than him (Jesus Christ)”. Ilang araw yata o linggo lang si Lennon ay binaril sa isang lugar sa New York City ng isang panatiko at siya’y namatay noon din.

Ang aral dito ay huwag dustain, murahin o salungatin ang Simbahang Katoliko, lalo na si Kristo, na nagtatag nito sapagkat ang kapangyarihan, kagandahan, kayamanan at kasikatan ay naglalaho, subalit ang Simbahan ay mananatili habang hindi nagugunaw ang mundo. (Bert de Guzman)