Bumuo si Manila Mayor Joseph Estrada ng isang anti-drug abuse council upang higit pang paigtingin ang kampanya ng lungsod laban sa ilegal na droga.

Ang Manila Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ay binuo ni Estrada sa bisa ng Executive Order No. 10, series of 2016.

Sa EO, sinabi ni Estrada na ang pagtatatag ng MADAC ay alinsunod sa mandato ng Memorandum Circulars 98-227 at 99-235 ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nagsasaad na dapat magsumikap ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan para labanan ang pamamayagpag ng ilegal na droga sa bansa.

Bunsod din, aniya, ito ng sunud-sunod na pagkakadiskubre at pagsalakay ng mga pulis sa mga laboratoryo at mga imbakan ng mga ilegal na droga at pag-aresto sa ilang lokal at dayuhang sangkot sa droga. (Mary Ann Santiago)

'Goodluck sa puksaan!' Jesus Falcis, sinagot kung kailan sasali sa 'bardagulan' mga Kakampink