Pinayuhan ni Senator Aqulino “Koko” Pimentel III si Senator Alan Peter Cayetano na manatili na lamang sa Manila para maligawan ang mga senador na ihalal siya bilang Senate President ng 17th Congress.

Umaasa pa rin kasi si Cayetano na ikakampanya siya ni President-elect Duterte para maging pangulo ng senado sa halip na si Pimentel, ang kapartido nito sa PDP-Laban.

Sinabi ni Pimentel na wala sa Davao ang botohan sa Senado kaya’t mas maganda na ligawan at suyuin ni Cayetano ang mga senador na karamihan ay nasa Manila.

Sa ngayon ay 14 na senador, sa pangunguna ni outgoing Senate President Franklin Drilon ng Liberal Party (LP), ang pumirma para sa kandidatura ni Pimentel.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Labintatlong lagda o pag-endorso ng mga kapwa senador ang kailangan para maging senate president. (Leonel Abasola)