JANELLA AT ELMO copy

TUNGKOL sa destiny ang Born For You kaya natanong sa grand presscon ng TV series ang senior stars na sina Mr. Freddie Webb, Ayen Munyi Laurel, Vina Morales, Ariel Rivera at Ms. Gina Pareño kung naniniwala sila rito.

“I do,” sagot ni Mr. Webb. “Because I dreamt that someday I’m coming out in the movies, television and this is destiny. I believe in destiny because we all have our destinies in life.”

Say naman ni Ayen, “Ako, naniniwala na ‘yung destiny natin ay hindi lang sa pag-ibig, but I guess ‘yung buhay natin, nakaplano na sa mata ng Diyos, but I also believe that destiny is not a matter of chance but of choice but mayroon pa rin tayong freedom to choose. For me, that’s for television I guess. But I believed that there’s someone destined for you.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pahayag naman ni Vina, “Happy to let you know that I’m seeing someone now, but I always believe and I always looking in every aspect in my life not only sa pag-ibig, hopeful po ako na I’ll end up with someone na galing sa Panginoon.

So I really believe in destiny, hindi ko naman (pinipilit). Maski po i-work out mo ang isang relasyon kung hindi talaga para sa ‘yo at meron talagang meant for you, darating at darating ‘yan at magmi-meet kayo and you’ll still end up together.”

Si Ms. Gina, na ilang beses nang umalis sa ABS-CBN pero balik naman din ng balik, “Yes, dito talaga ang bahay ko (ABS-CBN), naniniwala ako sa destiny. Kasi bata pa lang ako, gusto kong mag-artista, mahilig akong umarte, kaya hayun nga, naging artista ako kaya I believe in destiny.”

“Yeah, I believed in destiny,” sagot naman ni Ariel, “I think my life has been full, it gave me a path to this destination... Meeting my wife describes my life, it’s my destiny.”

Tinanong din ang dalawang bida ng Born For You na sina Elmo Magalona at Janella Salvador. “First time to work with Janella and first time to have a soap in ABS, it’s a breath of fresh air to work with Janella,” unang sabi ni Elmo na itinuturing ding destiny ang pagkakapunta niya sa Kapamilya Network. “I think, part din ng destiny, I guess.

Because it was chance for me to take at ibinigay po sa akin ‘yung chance na ‘yun, ayoko pong bitawan, kinuha ko po ‘yung chance na ‘yun.

“It came a surprise kasi I didn’t expect na siyempre magiging primetime ‘yung first project ko na sinabi nila at first sa akin,” kuwento naman ni Janella. “I was asking kung sino ‘yung makakapareha ko, akala ko familiar face.

Sabi nila, someone’s na lilipat at sabi nila ‘Elmo’ kaya sabi ko, ‘ha?’ I’m excited naman to know him kasi were both came from a family of music, would love music so natuklasan naman namin sa isa’t isa na talagang we do live music talaga.”

Samantala, curious ang entertainment media kung paano napapayag ang sumulat at kumanta ng Born For You na si David Pomeraz na gamiting titulo ng serye ang awitin niya.

“Ang Born For You is talking about destiny, kasi ‘yung title na Born For You is alam na alam mong destined sila sa isa’t isa, para sa ‘yo ako,” sagot ni Reggie Amigo, ang creative manager ng Dreamscape Entertainment.

Sa record label muna ni Mr. Pomeranz tumawag ang management para ipagpaalam na gagamiting titulo at theme song ng serye ang Born For You, at nang makausap na nila ang singer/composer ay pumayag agad ito at very cooperative dahil pumayag pang kunan ng music video na ipinapakitang teaser ngayon ng serye.

Tinanong din ang BFY headwriter na si Benedict Migue kung sa umpisa pa lang ba ay nakita na nilang bagay sina Elmo at Janella. Si Benedict din kasi ang headwriter ng On The Wings of Love (OTWOL) na naging monster hit sa telebisyon.

“Eventually po na-enjoy namin ‘yung company ng dalawa (Janella at Elmo) sa Japan. At first, when we were making this as creative, we should see kung may chemistry, at first it was an effort kasi hindi pa namin nakikita ‘yung pairing.

“But when we went to Japan, nagulat kami, sabi namin, okay ‘to, madadali ang buhay natin. Kasi when we were making OTWOL, alam na naming may chemistry (sina James Reid at Nadine Lustre), dito, hindi kami sure. Kaya nu’ng nag-Japan kami doon namin nakitang meron,” pagtatapat ng headwriter ng BFY.

Uso ang terminong millennial (tawag sa mga kahenerasyon ng ElNella) kaya natanong si Benedict kung magagamit nila ito sa serye.

“Millennial, we’re living the millennial type, eh, so lahat ng mapapanood n’yo rito millennial.”

Very now o contemporary magsulat ng istorya si Benedict kaya pumatok ang tandem nila ni Direk Antoinette Jadaone, ang direktor ng OTWOL, na kilala naman sa pag-capture ng kasalukuyang mga nangyayari sa paligid, at hindi malayong ganito rin ang outcome ng Born For You.

Samantala, naka-relate kami sa sinabi ni Benedict na hindi nakitaan ng chemistry sina Elmo at Janella noong unang solo-solo pa lang silang ipinapakita sa mga eksena. Maging sa pocket presscon nilang dalawa kamakailan ay hindi rin namin sila nakitaan ng kilig. Pero nang mapanood na namin ang Born For You lalo na ang mga kuha sa Japan at nu’ng magkasalubong sila sa Shibuya Crossings, nagulat kami, meron pala silang kilig talaga as in pati na sa iba pang mga eksenang magkasama na sila.

Editor’s note: Walang duda, destiny ang pagtatambal nina Janella at Elmo. At kung magugustuhan ng televiewers, na napakalaki ng posibilidad dahil na rin sa kakaiba at bagong look ng serye, destiny ring maging susunod na big stars sila ng entertainment industry.

Light drama lang din ang Born For You kaya naniniwala kaming susubaybayan ito dahil ganito ang gusto ng Pinoy viewers, light lang, walang stress at matatawa na naman silang tiyak kina Ogie Diaz at Jai Agpangan na laging malaki ang kontribusyon sa mga serye pagdating sa comedy. (REGGEE BONOAN)