GENEVA (AP) – Pinuna ng opisina ng United Nations human rights chief ang “insufficient gun control” sa United States at hinimok ang mga lider nito “to live up to its obligations to protect its citizens.”
Kasunod ng madugong pag-atake ng isang armadong lalaki sa isang nightclub sa Florida, binatikos ni Zeid Ra’ad al-Hussein ang “irresponsible pro-gun propaganda” sa US na nagsasabing ginagawang ligtas ng mga baril ang lipunan, “when all evidence points to the contrary.” Kinuwestyon niya ang walang kahirap-hirap na pagkakaroon ng mga tao sa Amerika ng mga baril at assault weapon gaya ng isang ginamit sa pag-atake noong Linggo.
Binanggit ang isang ulat ng UN sa baril noong Abril, tinukoy ni Zeid ang halimbawa kung paanong ang pagkontrol ng baril sa maraming bansa ay nagresulta sa “dramatic reduction in violent crime.”
Sinabi ng opisina ni spokesman Rupert Colville sa mamamahayag noong Martes sa Geneva: “The problem is the guns.”