PINAG-UUSAPAN sa apat na sulok ng Manila City Hall ang diumano’y sama ng loob ni Manila City Mayor Erap Estrada sa isang taong labis pinagkatiwalaan at ibinigay ang lahat ng pabor at suportang hiningi sa kanya.

Ayon sa kausap naming staff ng Mayor’s Office, hindi raw sukat akalain ni Mayor Erap na tumalikod sa kanya ang kasamahan pa naman niya sa partido.

Hindi raw lubos maisip ng dating Pangulo ang dahilan kung bakit nagawa ‘yun sa kanya ng pinagkatiwalaan niyang kapwa pulitiko. Ngayon lang daw naglabas ng sama ng loob si Mayor Erap sa tao na ayaw munang ipabanggit sa amin ng source ang pangalan ng kilalang pulitiko na may konek din sa showbiz.

“Lihim nilang pinabagsak si Mayor Erap. Ang grupo ng pulitikong ‘yun ang may kagagawan kung bakit halos tatlong libo lang ang lamang ni Mayor Erap sa dating alkaldeng si Mayor (Alfredo) Lim,”sey pa ng kausap namin.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Lahad pa ng source, iniiwasan daw munang magsalita ni Mayor Erap tungkol sa naturang isyu, pero dahil na rin daw sa kagagawan ng taong tumira ng talikuran sa kanya ay nakapagdesisyon na ang dating pangulo na muling tumakbo para alkalde sa 2019 elections.

Kuwento ng source namin, hindi matanggap ni Erap na ganoon lang ang lamang niya kay dating Mayor Lim dahil noong wala pa raw siyang nagagawa sa Maynila ay tinambakan niya ito nang sobra-sobrang boto, ngayong nabayaran na ng administrasyon niya ang mahigit sa limang bilyong pagkakautang, konti lang ang kalamangan niya.

Samantala, napag-alaman din namin sa aming source na may inihaing protesta si dating Mayor Lim against Mayor Erap.

(JIMI ESCALA)