elma copy

PATAFA, dapat mamili kina Tabal at Torres para sa Rio Olympics.

Nagkaayos na ang kampo ni marathon champion Mary Joy Tabal at ang pamunuan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Ngunit, para kay Philippine delegation Chef de Mission to Rio Olympics Jose ‘Joey’ Romasanta, hindi pa tapos ang problema.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ayon kay Romasanta, kailangan mamili ng PATAFA kung sino kina Tabal at long champ queen Marestella Torres-Sumang ang ipadadala para sa nalalabing slot na nakatala sa athletics event.

“Maganda itong nangyari at nagkaayos na ang dalawang kampo. As what I learned balik na sa National Team si Joy (Tabal). But is she going to Rio Games? Dito tayo magkakaproblema, dahil hindi puwedeng ipadala ng PATAFA ang dalawa, kailangan isa lang,” pahayag ni Romasanta, first vice president din ng Philippine Olympic Committee (POC).

Sinabi ni Romasanta na kumpirmado na ng International Amateur Athletics Federation (IAAF) ang slot ni Torres sa Rio Games batay sa “universiality berth” na ibinibigay sa bawat kasaping bansa.

Batay sa regulasyon ng International Olympic Committee (IOC) – ang organizer ng quadrennial meet – awtomatikong may dalawang slot ang bawat kasaping bansa sa multi-event ng swimming at athletics sakaling walang atleta ang nakalusot sa qualifying meet.

Sa kaso ng Pilipinas, nagkuwalipika si Filipino-American Eric Cray sa 400m hurdles sa ginanap na US Olympic trials noong Nobyembre, kung kaya’t isang “universiality slot” na lamang ang ibinigay sa bansa at si Torres ang nairekomenda ng PATAFA.

“Marestella’s universiality slots is already confirmed by the IAAF as early as March, while the POC haven’t received any confirmation yet for Cray and Tabal. So kahit kami, nalilito kung talagang pasok itong dalawa sa Olympics,” sambit ni Romasanta.

Aniya, ang deadline para sa pagsumite ng final list by name sa Rio Olympics ay sa Hulyo 16. Nakatakda ang quadrennial meet sa Agosto 5-21.

Sa ginanap na Scotiabank Ottawa Marathon sa Canada nitong Mayo 29, nalampasan ng 26-anyos na si Tabal ang Olympic standard time na 2:45:00, sa tiyempong dalawang oras, 43 minuto at 31 segundo.

Subalit, ang paglahok ng Cebu pride ay hindi sanctioned ng PATAFA matapos itong magretiro sa national association noong nakalipas na taon. Ang pagsabak ni Tabal sa torneo, gayundin ang kanyang pagsasanay sa Japan ay gastusin ng mga pribadong sponsors na tumulong sa kanya.

“The Olympics is every athlete’s dream. And it does not happen to everyone. I am happy and very nervous at the same time because I have the entire nation to think about. It is the biggest race of my career. The only thing I can do now is make sure that I give my everything in the Olympics,” pahayag ni Tabal.

Tinanggap ng PATAFA ang kahilingan ni Tabal na magbalik sa National Team matapos ang pakikipagpulong kay PATAFA president Philip Ella Juico nitong Lunes.

Sinabi ni Juico na suportado niya ang determinasyon ni Tabal na makalaro sa Rio Games kung kaya’t iinderso nila sa POC ang pangalan ng 2013 SEA Games marathon silver medalist.

“We have long wanted to protect Mary Joy and we have questioned her racing schedule and its effects on her ability to sustain steady improvements over time,” pahayag ni Juico.

“However, we also recognize she qualified on her own So we put our differences aside, we reinstated her and we have allowed her to follow her training program despite our concerns. And we hope for the best in Rio for the nation,” aniya.

Iginiit ni Romasanta na malinaw ang regulasyon ng IOC at ng Rio organizers, imposible para sa Philippine delegation na maisama ang tatlong atleta sa athletics event.

“Right now, si Elma (Muros) ang nasa listahan namin. It’s up to PATAFA kung gusto nilang palitan ang entry ni Torres at isama si Tabal,” sambit ni Romasanta.

Bukod kina Torres at Cray, nasa delegasyon din sina table tennis Ian Lariba, taekwondo jin Kirstie Elaine Alora, weighlifter Hidilyn Diaz, boxer light flyweight Rogen Ladon, at lightweight Charly Suarez, at golfer Miguel Tabuena.