SARIAYA, Quezon – Dahil sa epekto ng tinirang shabu, pinagtangkaang patayin ng isang tricycle driver ang 19-anyos niyang anak na babae na hinabol niya ng saksak sa Arellano Subdivision sa Barangay Poblacion 3 sa bayang ito, nitong Martes ng umaga.

Dakong 11:55 ng umaga at nasa bahay ng isang kaanak ang 19-anyos na dalaga nang dumating ang amang si Aristeo Melendrez Luminario, 40, ng nasabing lugar, at nang makita ang anak ay nagwala ang huli.

Armado ng patalim, tinangka ng suspek na saksakin ang anak, na nakaiwas at mabilis na nakatakbo palabas ng bahay.

Hinabol ni Luminario ang anak hanggang rumesponde ang mga pulis at dinakip ang suspek.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Matapos kapkapan, nakumpiska ng mga pulis kay Luminario ang isang maliit na sachet na naglalaman ng 0.05 gramo ng hinihinalang shabu, at isang patalim.

Sa follow-up operation, nakumpiskahan din ang suspek ng drug paraphernalia at dalawang maliliit at hindi selyadong transparent plastic sachet na may latak ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act), sa attempted parricide at illegal possession of bladed weapon. (Danny J. Estacio)