Binalaan kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mga residente ng Eastern Visayas dahil sa mararanasang 13 oras na brownout sa Sabado.

Idinahilan ni Regional Corporate Communications and Public Affairs Officer Betty Martinez, ng NGCP, na ang naturang power outage ay bunsod ng paglilipat ng electrical conductors ng Emergency Restoration System (ERS) structures sa permanenteng Tower 13.

Magsisimula ng 5:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi, maaapektuhan ng brownout ang mga sineserbisyuhan ng LEYECO II, SEMELCO I, SEMELCO II at ESAMELCO. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito