thompson copy

OAKLAND, California (AP) — Imbes na nakapagpapahinga na kasama ang pamilya, balik-biyahe patungong Ohio, Cleveland ang “Splash Brothers” at ang Golden State Warriors para sa isa pang pagkakataon na mailigpit ang Cavaliers.

Nabigo ang Warriors na maitiklop ang telon ng 2016 season nang makabalikwas ang Cavaliers sa Game Five at maipuwersa ang isa pang do-or-die para sa Eastern Conference champion.

Tangan ng Golden State ang 3-2 bentahe at kailangan nilang maigupo ang Cleveland sa Game Six, sa Huwebes (Biyernes sa Manila), para makopo ang kauna-unahang back-to-back championship ng prangkisa.

Trending

Mister, gustong makitang nakikipagtalik ang misis niya sa iba

Ngunit, higit na mabigat ang laban ng Warriors na sasabak sa teritoryo ng Cavs – ang Quicken Loan Arena kung saan hindi pahuhuli sa pambubuska ang home crowd.

Balik sa kampo ng Golden State ang nasuspindeng si Draymond Green, ngunit lalaro ang Warriors na posibleng hindi kasama ang 7-foot center na si Andrew Bogut na nagtamo ng injury sa kaliwang tuhod sa second period ng Game Five.

Wala pang opisyal na pahayag ang Warriors management, gayundin sa resulta ng MRI ng Australian cager.

“We’re all disappointed. We want to win,” pahayag ni Shaun Livingston.

“With the stakes being what they are right now, obviously it’s a gut punch. But it’s the finals. It’s not going to be easy. They’re not going to lay down. It doesn’t matter who’s on the court. We’ve got to play.”

Sa kabila ng kabiguan at sa matikas na laro nina LeBron James at Kyrie Irving na kapwa pumutok sa 41 puntos, kumpiyansa si Warriors guard Kyle Thiompson sa katayuan ng Golden State.

“You want to win here more than anything for your fans. They deserve to see us win, but you just suck it up and move on,” sambit ni Thompson.

“We’re still in a great position.”

Kinatigan ni coach Steve Kerr ang pahayag ni Thompson.

“We’re in the same place we were last year, up 3-2 heading back to Cleveland. If you told me this before the series, I would have taken it,” pahayag ni Kerr.