MASAMA ang loob ng ilang TV executives na nakatrabaho ng aktres na balik-showbiz na ngayon dahil parang pinalabas nito na walang nagawa o naitulong sa kanya ang network na namuhunan sa kanya para makilala at lumaki ang pangalan niya.

“Hindi maganda ang ‘sinagot niya sa interview sa kanya na dalawang tao lang daw ang tinawagan niya para magpaalam siya dahil sila lang ang mahal niya at nagmamahal sa kanya, so ano ‘yun?” sabi ng isa sa tatlong TV executives na nakatsikahan namin.

“Okay lang naman na hindi na siya bumalik, pero ‘yung sasabihin mo na ‘yung dalawang taong lang ‘yun ang mahal niya, hindi ba niya naisip na nu’ng mga panahong marami siyang problema at kailangan niya ng work, sino ba ang umuunawa sa kanya? Kung hindi ba sa production, magkakaroon siya ng show? Sana magbalik-tanaw naman minsan,” dagdag pa ng TV exec.

Ipinagtanggol namin ang aktres na ganu’n lang talaga ito sumagot, kung ano ang nararamdaman ay iyon ang sasabihin talaga pero mabait itong tao at marunong namang tumanaw ng utang na loob. O baka nagkamali lang ang sagot sa sobrang excitement sa bago nitong project.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

“Naku hindi, ganyan talaga ugali niya, kung hindi siya sinugalan ng network, hindi siya makikilala at sisikat,” diretsong sabi sa amin.

Hmmm, no comment na kami kasi may punto naman ang TV exec. May name na ang aktres bago siya napunta sa ibang network, at ganyan naman talaga sa showbiz, lipatan nang lipatan at kung sino ang nakaharap ay ‘yun ang pupurihin.

Tama ba, Bossing DMB?

(Sila lang, Reggee. –DMB) (REGGEE BONOAN)