Isusulong ng isang kongresista mula sa Cebu City ang pagpapatibay sa panukalang magkakaloob ng libreng internet connectivity sa lahat ng Pilipino sa bansa.
Ayon kay Cebu City 2nd District Rep. Rodrigo Abellanosa, muli niyang ihahain sa 17th Congress ang House Bill No. 6470 o “The Free Wireless Broadband Internet Act.”
Layunin ng panukala ang obligadong installation ng high-speed broadband Internet sa lahat ng munisipyo o city hall ng mga lokal na pamahalaan at sa mga pampubliko at pribadong high school upang bigyang-pagkakataon ang lahat ng mamamayan, mayaman man o mahirap, na libreng makagamit ng Internet.
Aniya, batay sa pag-aaral ng Nielsen Company noong 2011, tanging 33 porsiyento ng populasyon ang may access sa Internet.
“With the advent of technology and the introduction and now the prolific usage of the World Wide Web, access to this important resource has become more affordable but continue to be limited,” ani Abellanosa. “Imagine a nation where everyone has ready access to a vast fount of knowledge. We have always talked about bridging the gap between the rich and the poor.” (Bert de Guzman)