UNITED NATIONS (AP/Reuters) – Inihalal ng U.N. General Assembly ang Israel na mamuno sa isa sa anim sa mga pangunahing komite nito sa unang pagkakataon, isang desisyon na kinondena ng mga bansang Palestinian at Arab.
Sa secret ballot election sa 193-miyembrong world body noong Lunes, tumanggap ang Israel ng 109 ``yes’’ votes.
Walang bumoto na kontra sa Israel ngunit mayroong 23 abstention, 14 invalid ballot, at 43 vote para sa ibang bansa sa Western European at Others group na ibinoto ang Israel para mamuno sa assembly committee na humahawak ng legal issues.
Sinabi ni Israel U.N. Ambassador Danny Danon sa mamamahayag na: “I am very proud to be the first Israeli to serve as the chairman of a committee.’’
Ang tinatawag na Legal Committee, o Sixth Committee, ang namamahala sa mga isyung may kaugnayan sa international law. Ang General Assembly ay may anim na standing committee na nag-uulat dito, sa: disarmament, economic and financial issues, human rights, decolonization, U.N. budget, at legal issues.