PARIS (AFP) – Sumumpa ang hindi natitinag na French prime minister noong Miyerkules na paninindigan ang mga tinututulang reporma sa paggawa, sa kabila ng mga protesta na nagresulta na sa karahasan, at nanawagan na itigil na ang mga demonstrasyon.
‘’The government will not change a text which is already the outcome of a compromise sealed several months ago with reform-minded unions,’’ sabi ni Manuel Valls sa France Inter radio.
Sinisikap ng gobyerno ni President Francois Hollande na isulong ang reporma sa labor market sa layuning maibaba ang napakataas na unemployment rate ng France.