Inuulan ng reklamo ang pamahalaan ng Muntinlupa City mula sa mga residente sa limang barangay na isang linggo nang nawalan ng serbisyo ng tubig.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito wala pa ring tubig sa Barangay Alabang, Bayanan, Putatan, Poblacion at Tunasan dahil sa patuloy na emergency maintenance activity ng Putatan Water Treatment Plant sa ilalim ng Maynilad.

Apela ng mga residente sa Maynilad, magbukas ng linya kahit dalawa hanggang limang oras sa umaga at huwag sa madaling araw upang makapag-ipon sila ng tubig lalo na’t may pasok na sa eskuwela ang mga bata. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer