Naniniwala si Senator-elect Panfilo Lacson na magiging epektibo ang telephone hotline ng bagong hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Aniya, sa ganitong paraan ay magkakaroon ng maayos na partisipasyon ang mamamayan para labanan ang ilegal na droga sa bansa.

“Definitely, this will give ordinary citizens a more active role in bringing down the supply of drugs by giving tips against dealers. But the hotlines should also lead to help for those addicted to drugs,” ani Lacson, na nagsilbing hepe ng Philippine National Police mula 1999 hanggang 2001.

Nitong Lunes ay inihayag ni Peter Laviña, campaign spokesman ni President-elect Rodrigo Duterte, ang hotline ni incoming PDEA chief Isidro Lapeña: 0999-8887332, 0925-5737332, 0927-9150616. (Leonel Abasola)

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?