Nagdesisyon ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) Management Committee na patawarin at irekonsidera ang naging desisyon na patawan ng kaparusahan ang ilang coach bago magsimula ang pagbubukas ng ika-92 taon ng pinakamatagal na collegiate league sa bansa.

Ayon kay Arellano University MANCOM representative Peter Cayco, nagpaubaya ang buong miyembro ng liga na bigyan ng pagkakataon ang mga nasabing coach na magbago at ayusin ang kanilang trabaho.

“Actually, we had an argument on how these coaches should have served their suspension when in fact they are not included or part of the league dahil hindi sila kasama sa active list ng kanilang unibersidad. They should have served their penalties pero nagkaisa ang NCAA na bigyan ulit sila ng chance,” sabi ni Cayco.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ang desisyon ng MANCOM na alisin ang mga naipataw na suspensiyon sa mga coach ay magbibigay pahintulot muli upang makabalik sa liga sina Emilio Aguinaldo College juniors coach Ashely Guru pati sina San Beda men’s basketball team coach Frankie Lim, San Sebastian coach Roger Gorayeb at dating Philippine Christian University coach Junel Baculi.

Ipinaliwanag ni Cayco na nasuspinde ng apat na taon si Guru dahil sa pagsali sa isang manlalaro na lampas na sa dapat na edad, habang napatawan din ng parusa sina Lim at Gorayeb matapos masangkot sa kaguluhan habang isinasagawa ang isang laro ng volleyball sa loob ng San Beda Gym.

Si Baculi ay napatawan ng parusa habang ginigiyahan pa ang dating miyembro na PCU Dolphins Basketball Team.  

(Angie Oredo)