Nagpahayag ng pagkabahala si Quezon City Rep. Alfred D. Vargas III kaugnay ng dumadaming namamatay sa panganganak.

“It is disturbing to note that maternal health, as part of the country’s Millennium Development Goals (MDGs), is not so encouraging,” ani Vargas.

Ayon sa kanya, nakapaghain na siya ng panukala sa 16th Congress upang mapabuti ang maternal health sa bansa, pero hindi ito pumasa.

Ngunit hindi sumuko si Vargas at muli niyang ihahain ang HB 6476 sa ika-17 Kongreso sa Hulyo, sa layuning maitatag ang Office of Pregnancy Support Services (OPSS) sa ilalim ng Department of Health. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer