Nagsagawa ng surprise inspection ang mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga school bus na nagseserbisyo sa iba’t ibang paaralan sa Metro Manila kasabay ng pagbubukas ng klase kahapon.

Ipinakalat ng mga LTFRB board member ang Inspection and Enforcement Team ng ahensiya sa mga eskuwelahan sa Metro Manila upang magsagawa ng inspeksiyon at subaybayan ang mga school bus na kolorum at nakatakda nang i-phase out kapag lagpas na sa 15 taon ang unit.

Kabilang sa mga pinuntahan ng mga kinatawan ng LTFRB ang Batasan Elementary School at Diliman Preparatory sa Quezon City; Marikina High School, Marist School, at OLOPS sa Marikina City; at School of St. Anthony, Mater Carmeli, at Lagro High School sa Novaliches, Quezon City.

“Sa pagbabubukas ng klase sa taong ito, nais naming matiyak na ang mga school bus transport services ay sumusunod sa mga safety regulation ng board, at may valid na permit upang ihatid at sunduin ang mga mga-aaral,” pahayag ni LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Tinyak ng mga inspection team na tumutugon ang mga operator sa phase-out order ng LTFRB upang masiguro na wala nang karag-karag na bumibiyahe.

Binalaan ni Ginez na pagmumultahin at hindi na papayagang bumiyaheng muli ang mga mahuhuling school bus.

(Czarina Nicole O. Ong)