SITIO La Presa ang sikat na pangalan ng fictional strawberry farm na tirahan ng pamilya at mga kaibigan ni Agnes na ginampanan ni Liza Soberano sa Forevermore kasama si Xander na ginampanan naman ni Enrique Gil. Ang tunay na pangalan ng lugar ay Sitio Pungayan, na matatagpuan sa Mt. Kabuyao, Tuba, Benguet -- ang lugar na isa na ngayong sikat na dinadayo ng mga turista sa Baguio.
Sa tinatamong kasikatan ng lugar, hindi maitatago na nagbukas ng maraming trabaho at oportunidad ang “La Presa” branding ng LizQuen fever sa Benguet. Ngunit sa kabila ng magandang takbo ng turismo sa bayan, hindi maiiwasan ang komersyalismo na nagiging seryosong banta sa likas na yaman at ganda ng Tuba, kasama pa rito ang panganganib ng water catchment area ng Baguio, ang Sto. Tomas watershed.
Ang ABS-CBN Lingkod Foundation Inc., (ALKFI), ang social responsibility arm ng ABS-CBN Corporation, ay laging sinisiguro na ang pagbibigay ng tulong hindi lang sa publiko kundi pati na rin sa kapaligiran. Kaya ilang buwan na ang nakalilipas, at kahit tapos na ang programa, patuloy ang pagsuporta ng Lingkod Kapamilya sa komunidad sa Benguet sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng green initiatives upang mapreserba ang Sitio Pungayan.
Sa layuning maiangat ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino, ang Lingkod Kapamilya kasama ang ilang komunidad ay nagsama-sama para magmobilisa at maimulat ang mga mamamayan kung paano mapapangalagaan ang likas na ganda ng sitio.
Nitong Pebrero lamang, nag-conduct ang Lingkod Kapamilya kasama ang Green Thumb Coalition ng election forum para makipagtalakayan ang mga kandidato sa mga botante tungkol sa kanilang environmental platforms.
Inisiyatiba rin ng organisasyon ang ginanap na study tour sa La Mesa Watershed at Ecopark kahapon, Hunyo 13, ng key leaders at ilang environmentalists, ilang pari at government officials mula sa Baguio.
Nangunguna rin ang Lingkod Kapamilya sa edukasyon ng mga tao tungkol sa waste management project ng Mother Earth Foundation, isa sa mga partner organization ng Global Alliance for Incinerator Alternatives. Kasama dito si Atty. Claver, and lead counsel ng Writ of Kalikasan legal case.
Ang Sto. Tomas watershed ay pangunahing source ng Baguio na kilalang water-scarce, kaya naman kung hindi mapoprotektahan ay talagang maaapektuhan ang mas maraming populasyon ng siyudad. Kaya naman sa pamamagitan ng mga inisiyatiba ng Lingkod Kapamilya, tuloy ang love story nila Agnes at Xander sa Sitio La Presa.
Ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. (dating ABS-CBN Foundation, Inc.) ay naglalayong gisingin ang pag-asa sa mga Pilipino sa pamamagitan ng mga proyekto via multi-sectoral partnerships sa diwa ng bayanihan. Ito ay sa child care (Bantay Bata), emergency humanitarian assistance (Sagip Kapamilya), uplifting the quality of education (Programa Genio), river rehabilitation (Kapit Bisig Para Sa Ilog Pasig), sustainable community development – (BayaniJuan), environment protection, at conservation (Bantay Kalikasan).
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.abs-cbnfoundation.com, www.facebook.com/abscbnfoundationkapamilya, Twitter: @abscbn_fdn at Instagram: @abscbn_lingkodkapamilya.