Nakopo ni Julius Gonzales ang tatlong panalo sa huling apat na laro para sa solong liderato sa junior division, habang nanguna si Mark Bacojo sa kiddies class ng NCR leg ng Shell National Youth Active Chess Championships nitong weekend, sa SM Megamall Event Center sa Mandaluyong City.

Nagwagi si Gonzales, sosyo sa liderato kasama ang tatlong karibal matapos ang limang round, kontra Philip Oncita at Marie Lagrio bago nabigo kay Istraelito Rilloraza sa ikawalong round. Nakabawi siya kay Noel Geronimo para makamit ang walong puntos sa nine-round Swiss system tournament na inorganisa ng Pilipinas Shell.

Umani naman si Rilloraza ng 3.5 puntos sa huling apat na round para sa kabuuang 7.5 puntos at manaig via tiebreak kontra kina Lee Palma at Jester Sistoza at masiguro ang puwesto sa National Finals na gaganapin sa Oktubre.

Humakot din ng panalo si Francois Marie Magpilya sa huling apat na round para sa kabuuang 6.5 puntos at pagbidahan ang female class. Umusad din sa National Finals sina kiddies top female player Rheam Arah de Guzman at senior champion Rowelyn Joy Acedo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinangunahan nina Melanie Bularan, Social Performance and Social Investment manager of Pilipinas Shell Petroleum Corp., at WIM Jan Jodilyn Fronda, isa sa produkto ng torneo, sa pagbibigay ng medalya at sertipiko sa mga nagwagi.

Samantala, magbabalik ang aksiyon sa Hulyo 2-3 para sa Southern Luzon leg sa SM City Batangas Event Center sa Batangas. Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kina tournament coordinator Alex Dinoy sa numerong 0918-3705750 or 0922-8288510, at Ronald Berdera sa numerong 0946-6538080 o magpatala sa on-line www.shell.com.ph/shell_chess.