Ipinagharap ng kaso sa Sandiganbayan si dating Norzagaray, Bulacan Mayor Feliciano Legaspi at dalawa pang lokal na opisyal kaugnay ng pagkaka-delay ng pagre-remit ng Government Service Insurance System (GSIS) premium contributions noong Nobyembre 2009.

Bukod kay Legaspi, kinasuhan din sa paglabag sa Section 52 ng GSIS Act sina Cristeta Esteban, municipal treasurer; at Manuel Marcial, municipal accountant.

Sa ruling ng Office of the Ombudsman, nakitaan ng probabale cause ang reklamo laban sa tatlo kaya tuluyan nang idinemanda ang mga ito.

Ayon sa Ombudsman, Pebrero 2010 binayaran ang premiums para sa Nobyembre 2009 kahit na itinakda ang deadline noong Enero 2010.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“The Resolution pointed out that under R.A. No. 8291, government employers are required to remit directly to the GSIS the employee’s and employer’s contributions within 30 days from the day the obligation fell due and demandable.

Otherwise, the employer would be liable for delay, refusal or failure to remit under R.A. No. 8291,” anang Ombudsman.

(Rommel P. Tabbad)