Isang retiradong kawani ng gobyerno ang ubra nang maghapong maupo at magpahinga dahil bukod sa kanyang pensiyon, tiyak na ngayon ang kumbinyenteng pamumuhay para sa kanya matapos niyang kubrahin kahapon ang P32.9-milyon jackpot mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sinabi ni PCSO General Manager Atty. Jose Ferdinand Rojas II na gagamitin ng soltero mula sa Cebu City ang napanalunan nito nitong Mayo sa pagtulong sa kanyang mga kapatid, pagsisimula ng negosyo at ang natitira ay idedeposito niya sa bangko.
Ayon kay Rojas, 21 taon nang tinatayaan ng 68-anyos na binata ang kanyang mga numero hanggang matsambahan niya ang winning combination na 13-20-24-38-39-40 sa Lotto 6/42.
Siya lang ang nag-iisang nakasungkit sa P32,994,588 jackpot. (Betheena Kae Unite)