JAKARTA (Reuters) – Binabalak ng Indonesia na magbitay ng 16 na preso pagkatapos ng kapistahan ng Eid al Fitr ng mga Muslim sa susunod na buwan, at mahigit doble ng bilang na ito sa susunod na taon, inihayag ng tagapagsalita ng attorney general’s office noong Martes. Sinabi ni M. Rum sa mamamahayag na mayroong 152 katao ang nasa death row sa bansa, ngunit uunahin nila ang mga drug trafficker.

“In accordance with the budget we have, we plan (to execute) 16 this year and 30 next year,” sabi ni Rum. “President Joko Widodo has said the country is facing a narcotics emergency and this is to...save our future generations.”

Tumanggi siyang magbigay ng detalye kung sinu-sino ang mga isasalang sa firing squad sa susunod na buwan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina