GENEVA (AP) – Daan-daang libong katao na ang nasawi sa mga digmaan sa Iraq, Syria at Yemen. Lantaran ang paglabag sa karapatang pantao sa kabi-kabilang pagdukot, pagpapahirap at pag-atake. At matindi ang paraan ng mga diktador at kanilang kaalyado sa Belarus at Burundi upang supilin ang rebelyon.
Sa kabila nito, iisang bansa lang ang tinututukan ng United Nations Human Rights Council sa mga pag-abuso sa karapatang pantao: ang Israel, kaugnay ng mga polisiya nito sa mga okupadong teritoryong Palestinian.
Pumalag ang Israel, na suportado naman ng iba pang kritiko, kabilang ang Amerika, na nagsabing tanging ang usapin sa Palestine ang tinututukan ng UN sa kabila ng kabi-kabilang kaguluhan sa mundo.