Hinamon ng isang progresibong kongresista si incoming Rodrigo Roa Duterte na ihayag ang kanyang posisyon sa large-scale mining operations na nakasisisra hindi lamang sa kalikasan kundi maging sa kaligtasan at kapakanan ng mga komunidad.

Itinuring ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate bilang “katawa-tawa” ang pagsuporta ng malalaking kumpanya ng minahan sa posisyon ni Duterte laban sa destructive mining dahil nais lamang nila, aniya, na pagtakpan ang kanilang pananamantala sa mga likas na yaman ng bansa.

“It’s a farce; a mere publicity stunt. Destructive, exploitative, and plunderous mining represented by the Chamber of Mines in the Philippines is the one that is pillaging our resources and oppressing our people. In truth, there exists no responsible large-scale mining in the Philippines under the Mining Act of 1995,” pahayag ni Zarate sa isang kalatas.

Aniya, hindi lamang isang panlilinlang, subalit maituturing din na “basura” ang inihayag na suporta ng malalaking mining company sa posisyon ni Duterte sa isyu ng pagmimina.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"These destructive mining companies are playing coy and innocent to camouflage and continue their dirty ways in the next administration. We believe, though, that Pangulong Digong (PaDi) Duterte is well aware of how these miners operate and he will put an end to the dirty operations of these plunderous companies,” giit ng kontresista.

Binigyang-diin din ng mambabatas mula sa Mindanao na hindi lamang inaabuso ng mga mining company ang kapaligiran ngunit maging ang mga katutubo na mga komunidad kung saan sila may operasyon. Kabilang dito ang kontraktuwalisasyon, masamang kondisyon sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan, at pananakot at panggigipit umano ng mga mining operator sa tuwing sasalungat ang mga ito sa kanilang kagustuhan. - Charissa M. Luci